fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Solmux Advance Suspension Banner
Alamin ano ang tamang Solmux variant para sa iyo.

Alin sa Solmux Variants ang Para sa Iyo? Alamin Dito!

May tamang Carbocisteine Solmux variant para sa bawat uri ng ubo. Alamin kung alin ang angkop para sa iyong karamdaman sa babasahing ito.


Katulad ng pagpili ng tamang pagkain para sa ating katawan, importante rin ang pagpili ng tamang gamot para sa ating ubo.

Ang Carbocisteine (Solmux) ay isang gamot sa ubo na karaniwang nakikita sa mga drugstore o nire-reseta ng mga doktor. Pero alam niyo ba na ito ay may iba't ibang variants para sa ating mga pangangailangan? 

May mga variants ng capsule at mayroon din variants ng suspension o syrup na available. Para bakit kailangan na paiba-iba pa ng variant? Dahil sa tulong ng tamang Solmux variant, madali nating maibabalik ang ating kalusugan. Mahalaga na pumili ng tamang variant para makapag-patuloy sa ating mga gawain nang hindi naabala ng ubo.

Kaya alamin na kung aling Solmux variant ang nararapat para sa iyo, para bumuti ang iyong kalusugan at maging produktibo ang iyong buhay!

Para sa  Taong my Active Lifestyle

Kung mahilig kang lumabas o di kaya’y may trabaho na kinakailangang nasa labas ka, alam mo kung gaano kalaking sagabal ang magkaroon ng sakit tulad ng ubo. 

Kaya para sa mga taong may aktibong lifestyle o kadalasang lumalabas, ang Carbocisteine (Solmux) capsule ay bagay para sa iyo. 

Dagdag pa rito, walang lasa ang mga capsules kaya madaling lunukin. Mahirap din sila buksan o durugin para madaling bitbitin at iwas-kalat pa sa bag. Ang Carbocisteine (Solmux) capsule ay madaling dalhin at inumin kahit saan ka man magpunta. Madali lang itong bitbitin at inumin nang hindi  nakaka-abala sa iyong araw-araw na gawain.

Ang Carbocisteine (Solmux) capsule ay nakakatulong magbigay ng mabilis na ginhawa (sa loob ng 3-5 na araw) sa pamamagitan ng pagtunaw sa plema at pagpapadali sa pag-alis nito sa katawan. Ito ay isang convenient na paraan upang maibsan ang sintomas ng ubo, habang ikaw ay patuloy sa iyong mga gawain.

Kaya kung ikaw ay laging on-the-go at naghahanap ng gamot na makatutulong pagbibigay ng ginhawa mula sa ubo, subukan ang Carbocisteine (Solmux) para sa mabilis na ginhawa (sa loob ng 3-5 na araw) kahit saan ka man magpunta!

Para sa Taong Paulit-ulit na Inuubo 

Nasabi mo na ba ito ng may halong inis, "Ayoko na umubo"? Ang ubo ay talaga namang nakakainis, lalo na kung pabalik-balik. Kahit na anong ingat natin may pagkakataon talaga na pwede tayo kapitan ng sakit. Pero, may mga pwede tayong gawin upang maiwasan ang pabalik-balik na ubo. 

Isa na nga rito ang pag-inom ng gamot na may zinc. Kaya mainam na mag-upgrade na sa Carbocisteine + Zinc (Solmux® Advance) para sa mabilis na ginhawa (sa loob ng 3-5 na araw) mula sa ubo na may plema na kasamang pampalakas ng immunity.

Ang Carbocisteine + Zinc (Solmux® Advance) ay pwede ring gamitin para magbigay ng ginhawa mula sa ubo na may kaugnayan sa mga sakit sa respiratory tract tulad ng acute bronchitis. Ang Carbocisteine ay nakakatulong rin sa chronic obstructive pulmonary disease (COPD) dahil pinipigilan rin nito ang pagkapit ng bacteria at virus sa mga cells ng respiratory system ng tao. Ang Zinc naman ay tumutulong sa pagpatay ng mga viruses sa katawan.

Para sa Makati ang  Lalamunan

Kapag may kati sa iba't ibang bahagi ng katawan, madalas nating ginagamit ang pagkamot para mabawasan ang kati. Pero, kapag ang lalamunan ang kumati, hindi ito madaling gawan ng paraan. Nakakaistorbo ito , lalo na kung nagtatrabaho ka o nag-aaral. 

Kaya para sa sore throat, maaaring makatulong ang menthol para mabawasan ang discomfort. Ang mga produkto na may menthol, tulad ng mga menthol candies, menthol lozenges, o mentholated throat sprays, ay maaaring magbigay ng pansamantalang ginhawa sa pamamagitan ng pagpapalamig sa lalamunan. 

Para sa ginhawa mula sa ubo na may plema subukan mo na ang Carbocisteine + Zinc (Solmux Advance) Suspension na may menthol. Mayroon itong 2x na mas maraming Zinc (vs. previous Solmux products) na tumutulong sa katawan na labanan ang mga virus na maaaring magpalala ng ubo at magdulot ng mga kaugnay na sakit sa paghinga (Flu, Pneumonia, Bronchitis), para sa mabilis na paggaling (sa loob ng 3-5 na araw). 

Sa pagpili ng tamang Solmux variant para sa iyong kalusugan, mahalagang siguraduhin na konsultahin mo muna ang iyong doktor. 

Ang tamang dosis at uri ng gamot ay dapat i-ayon sa iyong partikular na kalagayan. Ang iyong doktor ang makakapagbigay ng tamang payo kung alin sa mga variant ng Solmux ang nararapat para sa iyo, batay sa iyong mga sintomas at medikal history. Sa pamamagitan ng konsultasyon, maiiwasan ang mga posibleng komplikasyon.

Para sa kumpletong impormasyon tungkol sa mga produkto ng Solmux, mainam na bisitahin ang official na website ng Solmux. Dito, makakahanap ka ng detalyadong impormasyon tungkol sa iba't ibang variant ng Solmux. Ang website ay naglalaman ng mga mahahalagang detalye tulad ng tamang paggamit, mga benepisyo, posibleng side effects, at mga kontraindikasyon. Mahalaga ito upang masiguro na tama at ligtas ang paggamit ng produkto ayon sa iyong pangangailangan.

Sa pagbisita sa website, maaari ka ring makahanap ng mga karagdagang impormasyon tungkol sa iba pang produkto ng Solmux na maaaring angkop sa iyong kalagayan. 
Ang website rin ay madalas na may mga update at mga bagong artikulo na makakatulong sa iyong pag-unawa sa tamang pangangalaga sa iyong kalusugan, lalo na pagdating sa mga problema sa paghinga tulad ng ubo at sipon.

Bukod dito, may mga resources at contact information rin na maaaring makatulong kung sakaling mayroon kang mga katanungan o kailangan ng karagdagang payo mula sa mga eksperto. 

If symptoms persist, consult your doctor.

ASC Reference Code: U0208P071924S

References: 
Products: Solmux Advance Suspension
Products: Solmux Advance
Products: Solmux
Hot Sauce and other home remedies for a sore throat
Pros and cons of capsules
Zinc | Cleveland Clinic

Was this article helpful?