Iba talaga ‘yung energy ng ibang tao, ‘no? Napagsasabay nila lahat ng ginagawa nila, at may oras pa para sa pamilya, friends, pati hobbies! Grabe, parang hindi sila napapagod!
Iba’t iba ang mga paliwanag ng mga eksperto kung bakit may mga tao na mas productive compared sa iba. At isa na nga rito ay kung paano nakakatulong ang tamang nutrisyon sa pagkakaroon ng energy araw-araw.
Hindi na sikreto na kailangan ng mga tao ang mga vitamins, minerals, at iba pang nutrients para manatiling malusog at energized ang kanilang katawan. Sa loob ng maraming taon, laging pinapaalala ng mga health experts ang kahalagahan ng mga antioxidants — mula man ito sa natural na pagkain o sa mga supplements.
Wala ka mang masyadong alam sa antioxidants o gusto mo lang balikan ang kaalaman mo tungkol dito, maganda na alamin mo ang mga iba’t ibang benepisyo nito sa iyong kalusugan.
Antioxidants—Ano Ba ‘Yon?
Para maintindihan kung ano ang ibig sabihin ng antioxidants, tignan natin ang mismong salita. Yung "anti-" ibig sabihin nito ay “kontra”, habang ang “oxidants” naman ay mga substances na tumutulong para mabuo ang mga free radicals (mga molecules na sumisira sa cells ng katawan).
Tumutulong ang antioxidants na labanan ang mga compound tulad ng free radicals, oxidative stress, at kahit mga toxins—mga bagay na maaaring magdulot ng iba't ibang problema sa kalusugan.
Maraming iba’t ibang klase ng antioxidants. Eto ang ilan sa mga pinaka-common na klase nila:
- Vitamins A, C, at E
- Beta-carotene
- Lycopene
- Lutein
- Selenium
- Magnesium
- Flavonoids
- Polyphenols
- Catechins
Tulad ng nabanggit kanina, maaaring makuha ang mga antioxidants sa supplements. Pwede rin itong makuha sa pagkain. Kaya, pwedeng-pwede ito idagdag sa daily routine!
Ilan sa mga pagkaing mayaman sa antioxidants na maaari mong gamitin sa mga recipes mo ay ang mga sumusunod:
- Mga madahong gulay tulad ng spinach at arugula
- Pulang repolyo
- Itlog
- Mga beans
- Salmon
- Mga prutas tulad ng dalandan, blueberries, at strawberries
- Black at Green Tea
- Dark Chocolates
- Mga pampalasa tulad ng luya, luyang dilaw (turmeric), at bawang
Bakit Ikaw ang Talo Kapag Kulang ka sa Antioxidants?
Kapag kulang ka sa antioxidants, humihina ang depensa ng katawan mo laban sa free radicals. Ang free radicals ay kulang sa electron kaya kumukuha sila nito mula sa ibang cells, na nagdudulot ng pinsala.
Maraming dahilan kung bakit dumadami ang free radicals sa katawan, kabilang na ang sobrang stress, pamamaga, polusyon, ilang kemikal, at matagal na exposure sa UV rays at usok ng sigarilyo.
Dito pumapasok ang mga antioxidants! Sila na mismo ang kusang nagbibigay ng electron sa free radicals para maibalik ang balanse ng mga ito. Sa simpleng salita, napipigilan nila ang masasamang epekto ng free radicals. Nababawasan din ang posibilidad na magdulot ang mga ito ng iba’t ibang sakit o problema sa katawan.
Pero may mga free radicals pa rin na matagal bago mawala sa katawan. Nagiging sanhi ang mga ito ng tinatawag na oxidative stress — kondisyon kung saan nasisira ang cells at dumarami ang toxins sa loob ng katawan.
Ayon sa mga pag-aaral, ang oxidative stress ay may kaugnayan sa mas mataas na risk ng pagkakaroon ng mga sumusunod na sakit
- Sakit sa puso
- Kanser
- Arthritis
- Stroke
- Mga sakit sa paghinga
- Kahinaan ng immune system
- Mga inflammatory o ischemic na kondisyon sa kalusugan
Buti na lang, may antioxidants! Malaki ang naitutulong ng mga ito laban sa free radicals at oxidative stress na maaaring makasama sa kalusugan. Magandang alamin ang mga benepisyo ng mga antioxidants kung nais mong maging mas malakas, mas malusog, at mas sulit ang bawat araw mo.
Gamitin ang Lakas ng Antioxidants para sa Sarili Mong Benepisyo!
Huwag hayaang maapektuhan ng stress at free radicals ang araw o kalusugan mo. Gamitin mo ang mga natutunan mo tungkol sa antioxidants mula sa guide na ito para alagaan ang sarili.
Kasabay ng tamang pagkain at regular na pag-eehersisyo, pwede mong subukan ang food supplement na INTEGRA® Naturally Complete Brand®
Gawa ang all-natural supplement na ito sa 22 na prutas at gulay na loaded sa antioxidants — tulad ng broccoli, pula at puting ubas, orange, papaya, kamatis, karot, green tea, at marami pang iba.
Bilang resulta, ang araw-araw na pag-inom ng INTEGRA® 22 in 1 Supplements ay makakatulong para makakuha ka ng 5x na mas mataas na antioxidant power kumpara sa ibang supplements.
Sa tulong ng INTEGRA® from UNILAB, mararanasan mo ang iba’t ibang health benefits — at siguradong pasasalamatan ka ng future self mo!
Ang INTEGRA® Naturally Complete Brand® ay mabibili online sa Unilab Webstore, Lazada, Shopee, at TikTok Shop.
MAHALAGANG PAALALA: ANG INTEGRA AY HINDI GAMOT AT HINDI DAPAT GAMITING PANGGAMOT SA ANUMANG URI NG SAKIT.
References:
Antioxidants: Positive or Negative Actors?
Free radicals, antioxidants and functional foods: Impact on human health
Stress, Oxidative Injury and Disease
Why You Should Care About Free Radicals
How can antioxidants benefit our health?
Antioxidant-Rich Superfoods for Optimal Health