Kapag dumaranas ng sintomas tulad ng ubo, sintomas ng sipon, at sakit ng ulo, mahalagang aksyunan sila nang may karagdagang alaga. Kahit karaniwan ang mga sintomas na ito, maaari silang maging senyales ng mga iba pang health concerns. Ang mga sintomas na ito ay pwedeng magpahiwatig ng iba’t-ibang mga kondisyon, kabilang ang mga infection tulad ng pneumonia, at pati na rin ang mga malalang sakit tulad ng COVID-19. Sa panahong laganap ang mga nakakahawang karamdaman, mahalagang huwag palagpasin ang mga sintomas na ito.
Ang pag-aksyon sa triple threat ng mga sintomas (ubo, sintomas ng sipon, at sakit ng ulo) ay maaaring nakababalisa, lalo na kung nagkasabay-sabay ang mga ito. Dulot man ito ng pabago-bagong panahon, exposure sa mga mikrobyo, o mga isyung konektado sa stress, ang epektibong paglunas sa mga sintomas na ito ay makakatulong sa pagbawas ng discomfort at pagpapabilis ng recovery.
Ang mga sintomas na ito ay maaaring makagambala sa pang-araw-araw na gawain, at maaaring pahirapan ang mga simpleng tasks. Sa kabutihang palad, may mga solusyon na available para maagapan ang mga ito, tulad ng mga over-the-counter at prescription medications.
Sa article na ito, malalaman ang tungkol sa mga sanhi at katangian ng ubo, sintomas ng sipon, at sakit ng ulo, pati na rin ang solusyon na makakatulong sa mga ito.
Pagtugon sa Ubo
Ang patuloy na pag-ubo ay maaaring maka-istorbo sa mga pag-uusap, pagpupulong, at pagpapahinga. Maaari din itong maging dahilan ng frustration o inis. Ang physical sensation ng mismong pag-ubo, na kadalasang sinasabayan ng sakit sa lalamunan at dibdib, ay nakakadagdag din sa pagkadismaya ng tao. Nakaka-abala rin ang patuloy na pag-ubo sa gabi. Maaari itong maging source ng discomfort at kakulangan sa tulog, na maaaring dahilan para maging “drained” at “on edge” pagdating ng umaga.
Ang ubo ay isang karaniwang sintomas na nakakaapekto sa milyun-milyong tao kada taon. Pero maaari ring maging komplikado ang mga kaso ng tuloy-tuloy na ubo, at kailanganin pa ng mga referral sa pulmonologist.
Sa madaling salita, ang pag-ubo ay isang reflex action na tumutulong sa paglilinis at pagtatanggal ng mucus at foreign particles sa lalamunan. Maaari itong mangyari dahil sa factors tulad ng allergies, infections, o pollutants sa kapaligiran. Ang mga pangunahing uri ng ubo ay ang dry o non-productive cough at productive cough na gumagawa ng mucus.
Pag-Aksyon sa Sintomas
Isa sa mga hamon sa pag-aksyon sa ubo ay ang kakulangan sa mga objective tools para sa measurement o clinical quantification. Kung ikukumpara sa ibang mga sintomas na may klarong diagnostic parameters tulad ng lagnat o blood pressure, ang ubo ay subjective at nag-iiba-iba para sa mga indibidwal.
Dahil dito, mahalaga ang pagsusuri ng medical history ng isang pasyente, kasama ang physical examination, at diagnostic testing. Magiging gabay ang mga ito sa clinical decision-making.
Ang mga antitussives tulad ng Dextromethorphan ay gamot na ginawa upang agapan ang pag-ubo sa pamamagitan ng pagkilos sa cough “reflex center” na nasa utak. Sa kabilang dako, ang mga mucolytics tulad ng Carbocisteine ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapanipis ng mucus at pagpapaluwag ng airways. Dahil dito, mas madali itong ilabas sa katawan.
Ang mga expectorant, gaya ng Guaifenesin, ay tumutulong sa pag-alis ng mucus sa pamamagitan ng pagdulot ng ubo na siyang “naglilinis” ng mga airways.
Panglunas sa Sintomas ng Sipon
Kapag lumalaban ang katawan sa sintomas ng sipon, ito ay nagre-redirect ng enerhiya at resources para maaksyunan ang viral na infection. Dahil sa heightened na immune response, kasabay ng pagsisikap ng katawan para maayos ang mga damaged na tissues, maaaring maging “drained” at “lethargic” ang isang tao. Bukod dito, ang congestion at ubo na konektado sa sintomas ng sipon ay maaaring maka-istorbo sa pagtulog ng tao at maaaring maging sanhi ng kakulangan sa pahinga.
Ang sintomas ng sipon ay sanhi ng viral infection sa upper respiratory tract na nagdudulot ng mga sintomas tulad ng runny nose o baradong ilong, masakit na lalamunan, ubo, pagbahin, at mild fever o trangkaso. Wala mang lunas para sa sintomas ng sipon, ang mga over-the-counter na gamot ay makakatulong kontra sa mga sintomas.
Pag-Aksyon sa Sintomas
Kadalasang ginagamit ang mga nasal decongestant gaya ng Phenylpropanolamine sa pagtugon sa baradong ilong. Nakakatulong ito sa pamamagitan ng paghihigpit ng mga blood vessels sa nasal passages, pagbabawas sa pamamaga, at pagbibigay-daan sa mas maginhawang paghinga. Ang mga gamot na ito ay maaaring mabili bilang nasal spray, drops, o tableta, at pwedeng magbigay ng pansamantalang ginhawa para sa congestion.
Pag-unawa sa Sakit ng Ulo
Ang sakit ng ulo ay isa sa mga pangkaraniwang uri ng sakit na nararanasan ng mga tao sa buong mundo. Nangyayari ito dahil sa iba’t ibang sanhi tulad ng tension at stress at mga medical conditions. Sa iba’t ibang uri ng sakit ng ulo, ang tension headaches ay ang pinaka-karaniwan at kadalasang inilalarawan bilang isang dull at makirot na pakiramdam sa paligid ng ulo.
Pag-Aksyon sa Sintomas
Ang mga non-steroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) tulad ng Paracetamol ay kadalasang ginagamit para maagapan ang sakit ng ulo. Umaaksyon ang mga sa ito sa pamamagitan ng pagbabawas ng pamamaga at “pagharang” sa pain signals. Ang mga gamot na ito ay epektibo para sa mild to moderate na headache, at maaaring magbigay ng agarang ginhawa kapag ininom ng naaayon sa directions.
Nakakaranas ka ba ng tatlong sintomas pero nag-aalala dahil baka kailangan mong uminom ng iba’t-ibang gamot? Iwasang mag-panic at dumiretso sa pinakamalapit na botika para bumili ng gamot. Hindi kailangang maging komplikado at nakakapagod ang pag-aksyon sa ubo, sintomas ng sipon, at sakit ng ulo.
Maaaring mapadali ang proseso ng pagbibigay-lunas sa mga sintomas na nabanggit sa pamamagitan ng pag-inom ng multi-symptom medicines, pagkonsulta sa mga healthcare professionals, at pagtaguyod ng mga plano na tutulong sa pag-iwas ng sakit.
Tandaan: may ilang madaling paraan na makakatulong sa paglunas ng mga sintomas na ito. Halimbawa ng mga ito ay gamot na tutulong laban sa sintomas o personalized treatment mula sa mga doktor.
Para sa ginhawa mula sa ubo, sintomas ng sipon, at sakit ng ulo, subukan ang Dextromethorphan HBr Phenylpropanolamine HCl Paracetamol (Tuseran® Forte). Tumutulong ito sa pagbibigay ng ginhawa laban sa ubo, sintomas ng sipon, at sakit ng ulo. Binubuo ito ng mga ingredients tulad ng:
- Dextromethorphan HBr: antitussive na tumutulong sa pagpigil ng ubo
- Phenylpropanolamine HCl: tumutulong sa pagpapadali ng paghinga, pag-agap ng baradong air passages at sinuses na naakpetuhan ng congestion, at pagbawas ng post-nasal drip
- Paracetamol: tumutulong sa pagpapababa ng lagnat at pagtugon sa sakit
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Reference Code: U0162P070424T
References:
https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK493221/
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/common-cold#:~:text=A%20cold%20is%20caused%20by%20a%20virus%20that%20causes%20inflammation,then%20inhaled%20by%20another%20person.
https://www.hopkinsmedicine.org/health/conditions-and-diseases/headache#:~:text=points%20about%20headaches-,A%20headache%20is%20pain%20or%20discomfort%20in%20the%20head%20or,triggers%20is%20the%20best%20prevention.