Kapag masakit ang katawan, mahirap gumalaw at gumawa ng iba’t-ibang aktibidad, mula sa pang-araw-araw na gawain hanggang sa pagtulog sa gabi. Madalas, ang sakit ng katawan ay nag-mumula sa pagod, pag-eehersisyo, trabaho, at gawaing bahay, ngunit paminsan naman ay sintomas na ito ng mas kumplikado na sakit.
Kung ikaw ay nakakaranas o naghihirap dahil sa sakit ng katawan, makakatulong ang gabay na ito para maunawaan ang ilan sa mga kalakip na problema na maaaring maging sanhi nito. Alamin at ipagpatuloy ang pagbabasa.
Ano ang sakit ng katawan?
Ito ay ang pananakit ng kalamnan na dulot ng pagod, pamamaga, o pinsala. Dahil mayroong tisyu ng kalamnan sa halos lahat ng mga bahagi ng katawan, ang ganitong uri ng sakit ay maaaring madama saan man tulad sa likod, hita, o binti. Karaniwang mabilis din itong gumaling. Ngunit, tumatagal rin ito nang ilang buwan kapag ito ay malala.
Ano ang mga sanhi ng sakit ng katawan?
Kadalasan, madaling matukoy ang sanhi ng pananakit ng katawan. Heto ang ilan sa karaniwang rason:
-
Masamang pustura
Ang isa sa mga pinaka-kilalang epekto ng hindi magandang pustura ay ang pilay sa itaas at mas mababang parte ng likod. Ang pagyukod ay naglalagay ng presyon sa pagitan ng iyong mga shoulder blades. Kung ikaw ay nakakapansin ng sakit sa ibaba ng leeg at paligid ng tailbone pagtapos ng isang mahabang araw sa trabaho ay malamang na hindi ka nakaupo ng tuwid. -
Stress
Kapag ikaw ay masyadong stressed, hindi mapipigilan ng immune system ang tugon nito sa biglaang pamamaga. Bilang isang resulta, mas mahinang lalabanan ng iyong katawan ang mga impeksyon o karamdaman kumapara sa karaniwan nitong kakayanan. Ito ang magiging sanhi ng sakit ng iyong katawan dahil mas madaling kapitan ng pamamaga at impeksyon ang buong katawan. -
Ang paglaktaw ng warm up at cool down na ehersisyo.
Kahit na nakakaakit na laktawan ang warm up at cool down tuwing ehersisyo, huwag mo itong gawin kung ayaw mong sumakit ang iyong katawan. Ang warm up ay nakakatulong magpagalaw ng nutrient-rich at oxygenated na dugo sa iyong mga kalamnan, habang pinapabilis nito and rate ng iyong puso at paghinga. Para mapagana ang lahat ng mga pangunahing grupo ng kalamnan, siguraduhing gawin ito ng lima hanggang sampung minuto.
Paano pwedeng gamutin at iwasan ang sakit ng katawan?
Nawawala ang pananakit ng katawan sa paglipas ng panahon. Lalo na sa pag-inom ng wastong gamot at sapat na pahinga. Eto pa ang ibang hakbang na maaring magtanggal ng sakit ng kalamnan:
- Dahan-dahang iunat ang buong katawan gamit ang ang ehersisyo na nakaka-kalma tulad ng stretching o yoga.
- Ibabad sa yelo ang apektadong lugar upang makatulong sa pagtanggal ng sakit at pagbawas ng pamamaga.
- Iwasan ang mabibigat na gawain at ehersisyo hanggang mapawi ang sakit.
Uminom ng Paracetamol + Caffeine (Rexidol Forte)!
Kapag nakakaranas ng sakit ng katawan, banatan ito gamit ang Paracetamol + Caffeine (Rexidol Forte).
Ito rin ay lakas-banat laban sa sakit ng ulo, binat at lagnat. Mabibili ang Paracetamol + Caffeine (Rexidol) sa mga leading drugstores nationwide sa halagang Php5 kada tableta.
If symptoms persist, consult your doctor.
SOURCES:
Body Aches: Chronic Fatigue Syndrome
What You Need to Know About Muscle Aches and Pains
ASC Reference No. U0009P071223R