Lumalala ba ang iyong trangkaso? Baka masyado nang mahina ang iyong resistensya.
Ang trangkaso ay isang senyales na nahihirapan na ang antibodies na labanan ang iba’t ibang germs at mikrobyo sa katawan. Nagiging agresibo ang immune system, at dahil dito ay tumataas ang temperatura ng iyong katawan. Ang pagtaas ng body temperature ang dahilan kung bakit ikaw ay nagkakaroon ng trangkaso.
Kapag kalusugan ang usapan, mabuti na ang maingat. Para maiwasan ang pagkakaroon ng sakit o trangkaso, maging maalam sa mga dapat iwasan upang hindi tuluyang humina ang immunity at resistensya.
Kulang o Hindi Sapat Na Tulog
Extra tulog, extra lakas laban sa trangkaso! Importante ang sapat na tulog para sa katawan. Kapag sapat ang tulog mas nakakapagpahinga ang mga muscles at cells na tumutulong mapabilis ang metabolism ng katawan.
Huwag kalimutan na ang tamang haba ng tulog ng isang adult ay nasa pagitan ng pito (7) hanggang siyam (9) na oras bawat gabi. Kapag kulang ka sa tulog madali kang kapitan ng sakit gaya ng lagnat.
Bakit nga ba mas madaling lagnatin o trangkasuhin kapag ikaw ay puyat? Mas madaling kapitan ng sakit ang mga taong puyat dahil bumabagal ang function ng mga immune cells na dumepensa laban sa foreign bacteria at viruses.
Kapag hindi nalabanan ng katawan ang mga virus at bacteria na ito, ito ay pwedeng magdulot ng trangkaso. Kaya iwasan ang trangkaso sa pamamagitan ng pagtulog ng maaga at pagninigurado na sapat ang oras ng pagtulog.
Kontaminadong Pagkain
Pwede ka bang lagnatin o magkaroon ng trangkaso kapag ikaw ay may nakain na mali? Ang sagot ay oo! Maaari kang makakuha ng mikrobyo na posibleng maging sanhi ng trangkaso mula sa mga pagkain gaya ng karne o gulay.
Importanteng suriin ang mga biniling karne o gulay para sa kanilang kalinisan bago ito lutuin at ihain. Kapag tama ang preparasyon ng pagkain maiiwasan ang bacteria! Kapag kontaminado ang pagkain, maaari itong maging dahilan para dumami ang bacteria at ikaw ay kapitan ng lagnat o trangkaso.
Bukod sa kalinisan, hangga't maaari ay planuhin ang mga pang-araw araw na pagkain at subukang makamit ang tinatawag na balanced diet.
Sa agahan, tanghalian, o hapunan man, mas maganda na sa isang serving ng protina, hindi bababa sa dalawang serving ng gulay at isa hanggang dalawang serving ng carbohydrates ang ating kinakain. Kapag hindi masustansya ang pagkain, maaaring bumaba ang resistensya at posibleng maging dahilan ng trangkaso!
Sobrang Stress
Huwag kang masyadong mag-pastress! Alam mo ba na kapag masyadong mataas ang cortisol (stress hormone) level ng iyong katawan ay pwede kang kapitan ng lagnat o trangkaso. Pwedeng tumaas ang temperatura ng katawan mo sa pagitan ng 37.8 Degrees Celsius. Makukumpara ito sa isang sinat lamang pero mas mabuti na maging maingat.
Bukod dito, ang cortisol ay nagpapababa ng bilang ng mga lymphocytes sa dugo. Ang lymphocytes ay uri ng white blood cells sa loob ng katawan na tumutulong matukoy ang kaibahan ng ng mga viruses at bacteria sa mga healthy cells.
Kapag nalito ang mga immune cells ng katawan, maari nilang atakihin pati ang mga healthy cells. Kapag nangyari iyon, posibleng magkaroon ng inflammation. Tataas rin ang temperatura ng katawan at iyon ang magiging dahilan ng pagkakaroon ng trangkaso.
Masasamang Bisyo
Paulit-ulit ang paalala sa atin ng mga eksperto at mga doktor na ang pag-inom at paninigarilyo ay masama para sa kalusugan. Ang mga kemikal na nasa loob ng mga ito ay nakakapinsala sa ating malusog na cells.
Kapag ikaw ay umiinom ng sobra-sobrang alak, sumasama ang iyong pakiramdam. Nanghihina rin ang iyong katawan at sumasakit ang iyong ulo. Ang lagnat pagkatapos ng pag-inom ng alak ay kadalasang sanhi ng matinding dehydration at mababang sugar level.
Ang alkohol mula sa alak ay maaari ring magdulot ng immune response, katulad ng isang impeksyon, na nagiging dahilan upang hindi makontrol na pag-init ng katawan.
Sa kabilang banda, ang sigarilyo ay nagiging dahilan ng lagnat o trangkaso dahil sa kemikal na nicotine na nasa loob ng mga ito. Ang nicotine ay pwedeng magpataas ng iyong heart rate, temperatura, at blood pressure.
Ang Pinakamagandang Gawin Para Lumakas ang Resistensya
May trangkaso ka ba dahil mahina ang katawan mo? Tulungang palakasin ang resistensya para labanan ang paglala ng trangkaso!
Kapag nanghihina ang iyong katawan at pabalik-balik na ang mga sakit gaya ng trangkaso, makakatulong ang proper diet, regular na exercise, at pag-inom ng immune-boosting supplements.
Ngunit bago uminom ng supplements, siguraduhin munang kumonsulta sa doktor o health expert. Dagdag dito, suriin muna nang mabuti ang supplement na napili. Magtiwala sa supplements tulad ng Sodium Ascorbate + Zinc (ImmunPro).
Ang Sodium Ascorbate + Zinc (ImmunPro) ay mayroon ng vitamin C (bilang sodium ascorbate) at zinc — dalawang mahalagang nutrients na kapag sinabayan ng tamang pagkain at exercise, ay tumutulong palakasin ang resistensya para malabanan ang mga mikrobyo, virus, at bacteria na maaaring pagmulan ng trangkaso at iba pang sakit.
Ito ay may special formulation - ZincPlus Tablet Technology na may stable combination ng vitamin C at zinc upang ma-absorb at magamit ng katawan.
If symptoms persist, consult your doctor.
ASC Ref. Code U054P101822IS