fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Immunpro Banner
Gumagana ba Talaga ang Vitamin C Supplements sa Katawan?

Immunpro Gen Health

Gumagana ba Talaga ang Vitamin C Supplements sa Katawan?

Mahalaga Ang Supplements Sa Katawan - Basahin Kung Bakit.

Medically Inspected by: Roland M. Panaligan, MD

Huwag kalimutang mag-vitamins! ‘Yan ang kadalasang linya ng mga matatanda sa mga bata. At ang kadalasang tinutukoy na “vitamins” sa linyang ‘yan ay vitamin C, dahil kapag sinabayan ng tamang pagkain at pag-eehersisyo, nakatutulong ito sa pagpapalakas ng resistensya ng katawan laban sa iba’t-ibang sakit. Gusto mo bang malaman ang magandang dulot ng pag-inom ng Vitamin C sa katawan? Ituloy lang ang pagbabasa at alamin ang benepisyo ng pag-inom ng vitamins sa mga kwentong Sodium Ascorbate + Zinc (ImmunPro).

Mga Kwentong Proteksyon ng ImmunPro

Kwento-kwento nga lang ba ang mga sinasabing benefits ng pag-inom ng vit. C supplement? Narito ang masasabi ng mga sumubok na. 

 “Almost 7 months ko na ginagamit ang ImmunPro. Nakatulong ito sakin na palakasin ang resistensya ng katawan ko.” (kasabay ng tamang pagkain at ehersisyo)

  -Emelita T. , Bataan

Kapag malakas ang immune system, maiiwasan ang infections tulad ng ubo at sipon. Sa dalawang paraan natutulungan ng Sodium Ascorbate + Zinc (ImmunPro) ang immunity ng katawan. Una, ang vitamin C ay may antioxidant properties. Ang ibig sabihin: tinutulungan nitong maiwasan ang mga free radicals sa paligid na maaaring maging sanhi ng kanser at iba pang sakit. Pangalawa, natural na benefit ng zinc ang tulungan na pangalagaan ang cells ng katawan. Kasama na dito ang immune cells - kasabay ng tamang pagkain at exercise.

 “Nagtatrabaho ako sa isang graveyard shift BPO company. Laging stressful ang aking gabi. Araw-araw inaabot na ako ng umaga sa pagtatrabaho. Kaya naman sinimulan  kong uminom ng ImmunPro bilang aking vitamin C. Limang buwan ko na itong ginagamit. Nakatulong ito sa aking immune system sa kabila ng pabago-bagong panahon at late na oras ng aking trabaho. (kasabay ng proper diet at exercise)”

      - Ronniel L. , Quezon City

Hindi biro ang shift ni Ronniel sa kanyang trabaho. At hindi rin maganda ang pinagsamang puyat o lack of sleep at stress para sa kalusugan. Sa immune system ng katawan, pinapabagal nito ang response ng immune cells kaya mas madali kang magkakasakit. Hindi man nakakatulong sa puyat, may ilang pag-aaral naman na nagsasabing may magandang epekto rin  ang vitamin C sa stress. Ito ay dahil kasabay ng tamang pagkain at exercise, ang vitamin C ay nakatutulong na labanan ang mga sintomas at epekto ng stress sa katawan. 

Ilan lang ito sa mga kwento at maaaring rason kung bakit maganda ang uminom ng vitamin C supplement. Nais tulungan palakasin ang resistensya ng katawan laban sa mga sakit? Mag-pinagsamang lakas ng vitamin C at zinc sa  Sodium Ascorbate + Zinc (ImmunPro). With proper diet and exercise

Daily Protection Hatid ng Sodium Ascorbate + Zinc (ImmunPro)

Mahirap magkasakit. Dahil pag down ang karamdaman, down din ang energy at katawan para gawin ang mga araw-araw na gawain. Nakakasagabal ito sa daily routine at para sa ilan, nakakaapekto ito sa araw-araw na kita. Kaya naman kailangan ang extra proteksyon laban sa sakit. At ang good news ay maraming madaling paraan para mapatibay ang immunity ng katawan. 

Kasama ng regular physical activity, mahalagang makuha ng katawan ang essential nutrients na kailangan nito. Kasama dito ang vitamin C na makukuha sa mga pagkain tulad ng citrus fruits. Ang supplements naman tulad ng Sodium Ascorbate + Zinc (ImmunPro) ay malaking tulong para masigurong nami-meet ang daily recommended value ng vitamin C para sa ating katawan.

Ang Sodium Ascorbate + Zinc (ImmunPro) ay may immune-boosting benefits  ng pinagsamang vitamin C at zinc. Pinatibay ng ZincPlus Tablet Technology, ang vitamin C at zinc ay tumutulong sa pagpapalakas ng immune system ng katawan laban sa mga bacteria na maaaring pagmulan ng sakit. With proper diet and exercise

If symptoms persist, consult your doctor.

ASC Ref. Code U077P101322IS

Was this article helpful?