fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Banner 2025
Mga Komplikasyon at Gamot sa Trangkaso

Flu Signs and Symptoms

Mga Komplikasyon at Gamot sa Trangkaso

Trina-trangkaso pero hindi makapag-pagamot? Kailangang mabasa mo ito.


Bakit pa bibili ng gamot kung lilipas at mawawala din naman ang trangkaso't mga sintomas nito? Kahit maraming over-the-counter (OTC) options, pinipili na lang ng iba na isantabi ang paghahanap at pamimili ng gamot. Madalas, tinitiis na lang ng iba ang mga sintomas dahil sa tingin nila, ordinaryong karamdaman lang ang trangkaso. Para sa kanila, kusang mawawala na lang ito. Pero ang nakababahala, hindi alam ng karamihan na pwedeng mauwi sa iba’t ibang komplikasyon ang pagpapabaya sa trangkaso.

Huwag hintayin lumala ang mga trangkaso. Sa simula pa lang, mas makakabuti na bigyan ito agad ng atensyon kaysa magkaroon pa ng mas malaking problema: ang mga komplikasyon nito.

Iniisip mo bang  normal at simpleng kondisyon lang ang trangkaso? Basahin mo ito para mas maliwanagan ka.

Anu-ano nga ba ang mga komplikasyon ng trangkaso?
Kapag naagapan, kadalasang tumatagal lamang ng isang linggo ang trangkaso. Pero kapag napabayaan ang mga sintomas nito, posibleng magkaroon ng iba pang mga komplikasyon. Ilan sa mga ito ang sumusunod.
  1. Impeksyon sa Tenga 

    Kapag may trangkaso, nagkakaroon din ng pamamaga sa itaas na respiratory tract, kabilang ang mga eustachian tubes (o mga tubong nagkokonekta sa tainga at likod ng lalamunan). Ang kondisyon na ito ay tinatawag na otitis media o middle ear infection.1, 2

    Ang mga eustachian tubes ang tumutulong sa pag-aalis ng mucus at pagpapantay-pantay ng pressure ng hangin sa loob ng iyong dalawang  tainga. Kapag nabarahan o naharangan ang mga tubong ito, tiyak na maiipon ang mucus sa gitna ng tainga. Madalas, humahantong ito sa pagdami ng mga bacteria sa tubo.

    Dahil sa impeksyong ito, maaaring sumakit ang tainga, humina ang pandinig, at kung minsan pa ay maglabas ng dilaw o berdeng mucus ang dalawang butas ng tainga.3
     

  2. Pulmonya

    Dahil sa trangkaso, maaaring magkaroon ng pamamaga sa mga daanan ng hangin. Pinipigilan din ng flu virus ang kakayanan ng iyong baga na maglinis ng mga mucus na siyang nagiging dahilan para magkaroon ng bara sa iyong mga baga.4,5

    Bukod dito, ang trangkaso ay maaari ding maging sanhi ng pulmonya sa pamamagitan ng cytokine storm. Ang cytokine storm ay delikado para sa katawan ng tao.6 Dahil dito, nagiging abnormal ang immune response ng katawan. Inaatake nito ang sariling mga tissues ng katawan, kabilang ang mga baga.
     

  3. Myocarditis

    Kapag kinapitan ka ng trangkaso, maaari ring maapektuhan ng virus ang tissues ng puso at humantong sa myocarditis.7 Ang myocarditis man ay isang bihirang karamdaman kailangan pa ring maging alerto lalo na kung may sakit ka sa puso. Maaari kasi itong maging sanhi ng panganib sa buhay.8

    Kasama sa mga sintomas nito ang pananakit ng dibdib, pag-igsi ng paghinga, mabilis o hindi regular na tibok ng puso, at heart failure.9
     

  4. Encephalitis

    Tulad ng myocarditis kung saan inaatake ng flu virus ang mga tissues ng puso, meron ding komplikasyon ang trangkaso na nakakaapekto sa utak. Ito ang Acute Influenza associated Encephalopathy o Encephalitis na maaaring magdulot ng mga seizure o sa ibang pagkakataon ng coma , ilang araw pagkatapos ng trangkaso. 10

    Dahil sa mataas na impeksyon kapag may trangkaso, nagiging masyadong agresibo ang mga immune cells ng katawan.  Sa halip na protektahan ang brain cells ay inaatake nila ang mga ito.

    Mataas ang posibilidad na magkaroon ng encephalitis mga taong may mahinang immune system, tulad ng bata, senior citizens, at mga taong may malalang kondisyong medikal.
     

Mga Unang Senyales ng Flu,  Bigyan Agad ng Atensyon
Bigyan agad ng pansin ang mga unang palatandaan ng trangkaso para di na ito lumubha o mauwi pa sa komplikasyon. Kung nakakaranas ka ng mga sintomas ng trangkaso, mas mabuting manatili sa bahay para makapag-pahinga. Umiwas munang makisalamuha sa iba upang maiwasan ang pagkalat ng virus.

Higit sa lahat, iwasang ma-ospital dahil sa komplikasyon. Habang simpleng trangkaso pa lang ang iyong nararamdaman, uminom agad ng gamot para sa mga sintomas.

Piliin iyong kaya tumulong sa `di lang isa, kundi iba’t-bang sintomas ng trangkaso. Uminom kaagad ng Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®). May tatlong ingredients ito na maaaring makatulong sa paglaban sa mga sintomas ng trangkaso:

  • Phenylephrine HCl: Bilang isang nasal decongestant, nakakatulong ito na bawasan ang pamamaga at pag-bara sa mga daanan ng ilong, kabilang na ang mga sinus. Tumutulong rin ito sa pagpapabuti ng daloy ng hangin, pagpapaluwag ng paghinga, at pag-iwas sa posibilidad ng postnasal drip na nagdudulot ng ubo.

  • Chlorphenamine Maleate: Ito ay isang uri ng antihistamine na maaaring makatulong laban sa runny nose, makating mata, walang tigil na pagbahing, at iba pang mga sintomas ng allergies.

  • Paracetamol: Nakakatulong ito upang mawala ang pananakit ng ulo at sa pagpapababa ng lagnat.

Para sa mga adults at batang 12 yrs old and up, maaaring uminom ng isang (1) tableta ng Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) tuwing anim (6) na oras, o ayon sa inirekomenda ng doktor.

If symptoms persist, consult your doctor.
 ASC REF CODE U0044P051123B

References:

Otitis Media/ Ear infection

  1. Short, K. R., Diavatopoulos, D. A., Thornton, R., Pedersen, J., Strugnell, R. A., Wise, A. K., Reading, P. C., & Wijburg, O. L. (2011, September 19). Influenza Virus Induces Bacterial and Nonbacterial Otitis Media. PubMed Central (PMC). https://doi.org/10.1093/infdis/jir618
  2. Jacobs M, Dagan R, Appelbaum P, Burch D. Prevalence of antimicrobial-resistant pathogens in middle ear fluid: multinational study of 917 children with acute otitis media. Antimicrob Agents Chemother. 1998;42:589–95
  3. Lindbaek, M., Sandhu, G., Frosh, A., Wright, A., Williamson, P., Patel, S., Herdman, R., & O’Neill, P. (2000). Acute Otitis Media. BMJ: British Medical Journal, 320(7228), 182–183. http://www.jstor.org/stable/25186873

Pneumonia

  1. Association, A. L. (n.d.). What Is The Connection Between Influenza and Pneumonia? What Is the Connection Between Influenza and Pneumonia? | American Lung Association. https://www.lung.org/lung-health-diseases/lung-disease-lookup/pneumonia/what-is-the-connection
  2. Aldridge JR., Jr. Moseley CE. Boltz DA. Negovetich NJ. Reynolds C. Franks J. Brown SA. Doherty PC. Webster RG. Thomas PG. TNF/iNOS-producing dendritic cells are the necessary evil of lethal influenza virus infection. Proc Natl Acad Sci U S A. 2009;106:5306–5311.
  3. Salomon, R., Hoffmann, E., & Webster, R. G. (2007). Inhibition of the Cytokine Response Does Not Protect against Lethal H5N1 Influenza Infection. Proceedings of the National Academy of Sciences of the United States of America, 104(30), 12479–12481. http://www.jstor.org/stable/25436325

Myocarditis    

  1. Myocarditis associated with influenza A H1N1pdm2009. Ukimura A, Satomi H, Ooi Y, Kanzaki Y. Influenza Res Treat. 2012;2012:351979.
  2. A national survey on myocarditis associated with influenza H1N1pdm2009 in the pandemic and postpandemic season in Japan. Ukimura A, Ooi Y, Kanzaki Y, Inomata T, Izumi T. J Infect Chemother. 2013;19:426–431.
  3. Matsumori A: A national survey on myocarditis associated with the 2009 influenza A (H1N1) pandemic in Japan. Ukimura A, Izumi T. https://doi.org/10.1253/circj.CJ-10-0452 Circulation. 2010;74:2193–2199.

Encephalitis

  1. Morishima T, Togashi T, Yokota S.et alEncephalitis and encephalopathy associated with an influenza epidemic in Japan. Clin Infect Dis200235512–517.
Additional References:

Was this article helpful?