fbpixel

Our website uses cookies to help enhance your browsing experience. Continue to browse our site if you agree to our use of cookies as described in Unilab's Cookie Policy .

For information on how we protect your privacy, please read our Privacy Policy .

Banner 2025
Bakit Kailangan Magpabakuna Laban sa Trangkaso

Flu Vaccination and Relief

Bakit Kailangan Magpabakuna Laban sa Trangkaso

Bakit mahalaga ang bakuna laban sa trangkaso? Basahin ito.


Pagdating sa pangangalaga at pagpapalakas ng katawan, malaking papel ang ginagampanan ng mga bakuna. Madalas natin itong iniuugnay sa mga bata dahil inirerekomenda ‘to para makaiwas sila sa sakit at palakasin ang kanilang resistensya.
 
Pero kahit sa pagtanda, alam mo bang mahalaga pa rin ang bakuna laban sa sakit tulad ng flu o trangkaso? Basahin kung bakit kritikal ang bakuna para labanan ang flu o trangkaso.
 
Paano Ba Gumagana ang Bakuna?
 
Inirerekomenda ng mga doktor ang pagpapabakuna sa trangkaso dahil sa epekto nito sa immune system o resistensya ng katawan. Kapag nagpabakuna ang isang tao, mag-rereact ang immune system, at gagawa ito ng mga antibodies.
 
Mahalaga ang antibodies dahil tumutulong ang mga ito sa paglaban at pagprotekta sa katawan kontra sa mga sanhi ng trangkaso - ang mga virus. Dahil sa mga antibodies, bumababa ang panganib na magka-flu o trangkaso.
Bukod sa pagpapatibay ng katawan at resistensya laban sa sakit, maaring tumulong ang pagpapabakuna na:
 
  • Iwasan ang pag-lala ng flu o trangkaso symptoms, at magdulot ng seryosong komplikasyon
  • Iwasan ma-ospital o hospitalization
  • Protektahan sa mga high-risk na indibidwal tulad ng mga matatanda (elderly), buntis (pregnant women), at pasyenteng may malalang sakit (chronically ill)
  • Pababain ang mga kaso at exposure sa trangkaso, lalo na sa mga nabanggit na grupo
Pero mahalagang tandaan na ang pagpapabakuna ay hindi garantiya na hindi ka na magkaka-trangkaso kahit kailan. Posible pa ring maranasan ang mga sintomas ng trangkaso kapag hindi mo inalagaan ng husto ang iyong sarili.
 
Tandaan: Mga Uri ng Bakuna Para sa Trangkaso
 
Maraming klase ng bakuna para sa trangkaso ang maaaring ialok sa hospital o pagamutan, tulad ng:
 
  • Inactivated: mayroong patay o inactivated na virus
  • Recombinant: may mas mataas na bilang ng mga antigens kung ikukumpara sa mga standard-dose vaccines
  • Adjuvanted: mayroong ingredient na tutulong sa paggawa ng mas malakas na immune response, at inirerekomenda sa mga adults 65 na taong gulang pataas
Maaaring pagbukud-bukurin din ang mga bakuna laban sa trangkaso ayon sa bilang ng mga virus na nasa loob nito:
 
  • Trivalent: nagbibigay-proteksyon sa dalawang (2) strains ng Influenza A virus at isang (1) strain ng Influenza B virus.
  • Quadrivalent: nagbibigay-proteksyon sa dalawang (2) strains ng Influenza A virus at dalawang (2) strains ng Influenza B virus
 
Kailan Ka Dapat Magpabakuna?
 
Dito sa Pilipinas, hinihikayat ng Department of Health (DOH) ang pagbabakuna laban sa trangkaso mula Pebrero hanggang Hunyo.
 
Mahalaga ang pag-schedule ng pagpapabakuna laban sa trangkaso kada taon. Pwede kasing magbago o lumakas ang mga virus na nagdudulot ng trangkaso. Posible ring humina ang resistensya ng katawan laban sa flu virus sa paglipas ng panahon. May pagkakataon rin na pwedeng humina ang epekto ng mga bakunang naibigay noong nakalipas na mga taon.
 
Kapag Nakaranas ng Side Effects, Uminom ng Gamot Para Maagapan Ito
 
Pagkatapos magpabakuna, maaaring maramdaman o mapansin ang mga side effects tulad ng:
 
  • Sakit, pamamaga, at pamumula sa lugar kung saan nagpabakuna (soreness, swelling, and/or redness)
  • Sakit ng ulo (headache)
  • Lagnat (fever)
  • Pagduduwal (nausea)
  • Sakit sa kalamnan (muscle pain)
Kung tutuusin, normal naman makaranas ng side effects pagkatapos magpabakuna. Pero tiyak na hindi ito komportable. Kaya kung may nararamdaman kang side effects, maari kang uminom ng Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®).
 
Kahit kilala ito bilang gamot sa flu o trangkaso, makakatulong ito sa multi-symptom relief dahil sa nilalaman ng isang caplet:
 
  • Phenylephrine HCl (10 mg): Tumutulong ang decongestant na ito sa pagbabawas ng pamamaga at pagbabara ng nasal passages at sinuses, pagpapabuti ng paghinga, at pagpapababa ng risk na magkaroon ng post-nasal drip na pwedeng magdulot ng ubo.
  • Chlorphenamine Maleate (2 mg): Tumutulong ang antihistamine na ito sa pag-agap sa pagbahing (sneezing), sipon (runny nose), at makati at nagluluhang mata (itchy and watery eyes).
  • Paracetamol (500 mg): Tumutulong ito sa pagbibigay ng ginhawa laban sa sakit ng ulo at lagnat.
Bukod dito, maaaring magdulot ng dagdag na ginhawa ang Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) dahil pinoprotektahan ito ang mga respiratory cells laban sa virus na nagdudulot ng sipon o ubo.
 
How to relieve flu and its symptoms? Uminom ng isang (1) caplet ng Phenylephrine HCl + Chlorphenamine Maleate + Paracetamol (Bioflu®) kada anim (6) na oras, o as prescribed by your doctor.
 
If symptoms persist, consult your doctor.
 

Was this article helpful?

Related Products